LEGAZPI CITY- Nauwi sa madugong insidente ang alitan ng dalawang magkamag-anak sa bayan ng Pandan, Catanduanes.

Ayon kay Police Staff Sergeant Krissel Hidalgo, Police Non Commissioned Officer ng Pandan Municipal Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nagkainitan ang hindi na pinangalanan na biktima at suspek, na nauwi sa pananaksak.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nagtamo ng siyam na taa ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naitakbo pa ito sa pagamutan subalit hindi na nailigtas pa.

Nabatid na nasa impluwensya rin ng alak ang biktima ng mangyari ang insidente.

Ayon pa kay Hidalgo na desidido ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban sa suspek.