LEGAZPI CITY- Inaalam pa sa ngayon ng mga otoridad kung ano ang posibleng motibo sa nangyaring pambabaril sa mag-asawang biktima sa Barangay San Vicente, Barcelona, Sorsogon.

Kinilala ang mga biktima na sina Silvestre Erlano Fortades Jr. 64 anyos at Rosemarie Galias, 63 anyos na residente ng Barangay Poblacion Norte, Barcelona, Sorsogon.

Base sa imbestigasyon ng Barcelona Municipal Police Station, sakay ang mga biktima ng kanilang tricycle ng harangin ng apat na suspek na sakay naman ng dalawang motorsiklo.

Bigla na lamang umanong pinaulanan ng bala ng mga suspek ang mga biktima na nagtamo ng tama sa kanilang katawan.

Matapos ang insidente mabilis na tumakas papalayo ang mga suspek habang nakapagresponde naman ang mga otoridad.

Dead on the spot si Silvestre habang nagawa pang maitakbo sa ospital si Rosemarie subalit ideneklara ng dead on arrival.

Sa ngayon hindi pa malaman kung ano ang posibleng dahilan sa pamamaril sa mga biktima na nagtatrabaho bilang tindero at tindero at napag-alamang miyembro ng Anakpawis Sorsogon Chapter.