LEGAZPI CITY – Puspusan na ngayon ang isinagawang paghahanda ng Legazpi City Tourism Office para sa isasagawang 2024 Private Schools Athletic Association.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Tourism Office Head Agapeta Pacres, host ang lungsod sa naturang malaking event.

Kaya kinakailangan na mapaghandaan ng mabuti upang maging matagumpay ang buong duration ng aktibidad.

Ayon kay Pacres nagkaroon na ng pag-uusap para sa mga billeting at accommodation areas ng mga bisita.

Inaasahang nasa 10,000 na mga delegado ang pupunta sa lungsod ng Legazpi.

Isasagawa ang 2024 Private Schools Athletic Association sa Hulyo 22 hanggang 26.