Nagtapos na ang kampanya ni Kiyomi Watanabe sa nagpapatuloy na Paris Olympics.

Ito matapos na talunin si Watanabe ng katunggali na si Tang Jing ng China sa round-of-32 sa women’s -63kg division ng judo.

Ang world no. 22 na si Tang ay maagang nakuha ang panalo laban kay Watanabe sa pamamagitan ng ippon sa loob lamang ng 51 segundo.

Sinubukan pa sanang magpumiglas ng Pinay pride subalit hindi na nagawang makabangon mula sa grip ni Tang.