
LEGAZPI CITY-Opisyal ng matatapos ang gawain ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Marso 31.
Kinumpirma ito ni ICI Chairman Justice Andres Reyes ngayong araw ng Biyernes, Marso 13, 2026.
Aniya, naniniwala siya na natapos na nila ang kanilang mandato sa pag-iimbestiga at maayos ng naipasa ang lahat ng kanilang nakalap sa Ombudsman.
Matatandaang binuo ang komisyon upang busisihin ang mga maanomalyang flood control projects sa nasyon.
Nagtagal ng halos 4 na buwan ang komisyon at nitong Enero ay unti-unti ng nag-resign ang mga commissioners nito.








