Former President Rodrigo Duterte in ICC

Hiniling ng International Criminal Court (ICC) prosecutors sa ICC Chamber na huwag katigan ang kahilingan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na huwag dumalo ng personal sa confirmation hearing ng mga kinakaharap niyang kaso.

Paliwanag nito na walang nakikitang sapat na basehan para hindi dumalo si Duterte sa naturang confirmation hearing.

“𝘛𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘪𝘴 𝘯𝘰 𝘳𝘦𝘢𝘴𝘰𝘯𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘧𝘰𝘳 𝘔𝘳. 𝘋𝘶𝘵𝘦𝘳𝘵𝘦 𝘯𝘰𝘵 𝘵𝘰 𝘢𝘱𝘱𝘦𝘢𝘳 𝘪𝘯 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯 𝘪𝘯 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘵 𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘰𝘯𝘧𝘪𝘳𝘮𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨.” saad sa naturang liham.

Matatandaan kasi na idinahilan ng kampo ng dating pangulo na siya ay “old, tired, and frail,” kaya hindi personal na makakadalo sa pagdinig sa susunod na linggo.

Si Duterte ay nahaharap sa patong patong na kaso sa International Criminal Court dahil sa madugong war on drugs na ipinatupad ng kaniyang administrasyon.