Spain beats defending champion Argentina

LEGAZPI CITY- Labis ang kasiyahan at pagbubunyi ng mga residente sa Spain matapos ang panalo ng koponan sa FIFA World Cup final laban sa Argentina.

Matatandaan na nagwagi ang Spain laban sa defending champion na Argentina sa score na 1-0, matapos ang naitalang goal ni Ferran Torres sa extra time.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Mylyn Abela, hindi pa rin makapaniwala ang Espanya matapos ang tagumpay.

Kabilang naman ang Filipino community sa naturang bansa sa mga nagdiriwang lalo pa at marami umano ang personal na nanood ng World Cup finals.

Ipinagpapasalamat naman nito na mapayapa ang lahat sa pagitan ng mga tagahanga ng Spain at Argentina kasunod ng pagtatapos ng laro.