Legazpi City- Libo- libo na trabaho sa bansang Croatia ang posibleng mabuksan para sa mga Filipino Caregivers.

Ang special hiring program ng Croatia ay parte rin ng penirmahan na Memorandum of Cooperation ng Pilipinas at Croatia.

Ayon sa Department of Migrant Workers ang sahod na matatangap ng mga Filipino Caregivers na matrabaho sa Croatia ang posibleng umabot sa 1,000 euros o katumbas ng P62,000 kada buwan.

Maliban pa sa minimum na sahod ay mayroon ding overtime pay at iba pang mga benepisyo.

Dahil sa penirmahan na memorandum ay masisigurado ang kaligtasan ng mga Filipino workers na ipapadala sa Croatia.

Samantala base sa datos ng nakaraang taong 2023 aabot na sa 5.6 thousands na Pilipino ang presenteng nagtatrabaho sa nasabing banss.