LEGAZPI CITY- Nabagsakan ng mga bakal ang isang construction worker sa bisinidad ng Bicol Regional Hospital and Medical Center.

Ayon sa impormasyon na agad naman na na-rescue ang biktima ng pinag-isang pwersa ng Daraga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office katulong ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection Daraga at Bureau of Fire Protection Legazpi.

Nabatid na nagtamo ng injuries ang naturang construction worker matapos ang insidente.

Agad naman itong nalapatan ng paunang lunas.

Samantala, patuloy na inaalam ngayon ng mga kinauukulan kung ano ang naging sanhi ng aksidente.