LEGAZPI CITY-Gumamit umano ang Iran ng isang Chinese spy satellite noong huling bahagi ng 2024 na nagbigay daan upang i-target ang mga base militar ng US sa buong Gitnang Silangan sa kasalukuyang digmaan.
Ito ay ayon sa report na naipalabas ng Iranian military documents kung saan ang TEE-01B satellite na galing sa kumpanyang Earth Eye Co, ay nakuha ng Islamic Revolutionary Guard Corps’ Aerospace Force matapos itong ilunsad sa kalawakan mula sa China.
Inatasan umano ng mga Iranian military commanders ang satellite na subaybayan ang mga pangunahing lugar ng US military sites, kabilang ang time-stamped coordinate, satellite imagery at orbital analysis.
Ayon pa sa mga report na nakuha ang mga larawan bago ang buwan ng Marso matapos ang drone at missile strikes sa mga lokasyon nito.
Base sa mga ulat, bilang bahagi ng kasunduan, nakatanggap ang IRGC ng access sa mga commercial ground stations na pinapatakbo ng Emposat, isang data services na nakabase sa Beijing na may network na umaabot sa buong Asya, Latin America at iba pang mga rehiyon.










