LEGAZPI CITY – Opisyal nang isinailalim sa kontrol ng Commission on Elections ang bayan ng Libon sa Albay para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.

Sa panayam ng Bmbo Radyo Legazpi kay Elections Bicol Regional Director Atty. Ma. Juana Valeza, inaprubahan na ng COMELEC en banc ang kanilang kahilingan na isailaim ang bayan na may 47 barangays sa kontrol ng poll body.

Ito ay kasunod ng serye ng pagpatay sa mga barangay officials ng bayan.

Bumuo na ang tanggapan ng special task force na mamamahala sa peace order, kung saan nakatakdang mag-augment pa ng mga dagdag na uniformed personnel.

Kaugnay nito, hihlingin din na i-revoke ang permit to carry firearms at pag-hire ng mga bodyguards.

Strkto rin na imomonitor ang mga operasyon ng lokal na pamahalaan ng Libon.

Nilinaw din ni Valeza na ang mga guro pa rin ang magigin poll officer sa pagsagawa ng halalan sa munisipalidad.

Nilalayon ng naturang hakbang na ma-exercise ng mga residenteng ang kanilang right of suffrage o karapatan na bumoto ng walang takot kasabay ng pagpapanatili ng kapayapaan sa lugar sa buong election period.