Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Tibiao, Antique kaninang alas-5:21 ng umaga.

May lalim itong 5km at tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay naramdaman ang Intensity V sa Tibiao, Culasi, at Barbaza sa Antique habang Intensity III naman sa Bugasong.

Naramdaman rin ang Instrumental Intensity III sa Malinao, Aklan at Intensity II sa Pandan, Antique.

Intensity I naman ang naramdaman sa Ibajay, Aklan at Tapaz, Capiz gayundin sa San Jose de Buenavista, Antique.

Samantala, nagbabala naman ang tanggapan na posible pang makaramdam ng mga aftershocks kasunod ng insidente.