arrested
arrested

LEGAZPI CITY-–Arestado ng mga awtoridad ang isang American citizen matapos umano nitong manghipo sa isang babae sa Legazpi City.

Ayon kay Legazpi City Police Station, Public Information Officer, Police Executive Master Sergeant Carlos Paña, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ang suspek ay 48 taong gulang at pansamantalang naninirahan sa Barangay Cabangan ng nasabing lungsod.

Naaresto ito sa kasong acts of lasciviousness at may inirerekomendang piyansang P36,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Legazpi CPS ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Samantala, abiso rin ni Paña sa mga biktima ng panghihipo na dapat nilang i-report ito sa pulisya upang agad nila itong marespondehan.