Bumuhos ang mga pagbati matapos i-anunsyo ni Alodia Gosiengfiao ang pagbubuntis niya sa first baby nila ng asawang si Christopher Quimbo.

Sa Instagram ay ibinahagi ng dalawa ang magandang balita na magiging soon-to-be parents na sila.

Ito ang nagkumpirma sa agam-agam ng publiko sa pagbubuntis ni Alodia matapos itong mag-post ng umano’y hint sa kaniyang social media account.

Matatandaan na na-engaged ang dalawa noong 2002 at nag-isang dibdib noong nakalipas na taon.