missing woman in Mexico

Isa ka rin ba sa mga mahilig sa image editing tools tuwing magpo-post ng larawan sa social media? Aba baka para sa iyo ito.

Naging pahirapan kasi sa mga otoridad sa Mexico ang paghahanap sa isang nawawalang babae dahil ang lawaran na ginamit ng pulisya sa missing persons posters ay malayong malayo pala sa tunay na itsura nito.

Nabatid na nawala si Grecia Guadalupe Orantes Mendoza nitong Abril 12 sa Chiapas kaya agad na umaksyon ang mga kinauukulan sa paghahanap nito.

Kumuha ang kapulisan ng larawan sa social media ng biktima subalit sa dami ng filters ay hindi ito makilala ng mga residente sa kanilang lugar.

Mabuti na lamang na ligtas na natagpuan ang babae sa isang highway matapos ang ilang araw na paghahanap.

Sa kasalukuyan ay isinasailalim naman sa imbestigasyon ang pagkawala nito.