LEGAZPI CITY – Isinailalim na sa State of calamity ang lalawigan ng Albay dahil sa pinsalang dulot ng Bagyong Paeng.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) Chief Dr. Cedric Daep, napagdesisyunan ng Sangguniang Panlalawigan na magdeklara ng State of calamity upang mapabilis ang pagpapalabas ng pondo para sa pagtulong sa mga naapektohan ng bagyo.

PAENG

albay

Nabatid na sa ngayon ay nasa P22-milyon na ang pinsala sa sektor ng agrikultura sa lalawigan base yan sa initial assestment ng Office of Civil Defense (OCD)- Bicol.

Nakapag-decamp na rin ang nasa 24,000 pamilya o 81,000 indibidwal na inilikas sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo habang patuloy naman ang pagbibigay ng ayuda ng lokal na gobyerno.

Malaki naman ang pasasalamat ni Daep na walang naitalang casualty sa lalawigan dahil na rin sa maagap na pag-aksyon ng mga ahensya at pakikipagtulongan na rin ng mga residente.