LEGAZPI CITY- Nakapagtala ang Bulkang Mayon ng minor phreatic activity nitong 11:56 ng umaga, Miyerkules, kung saan tumaas ang ash plume ng 500 metro at tumagal lamang ng isang minuto.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Mariton Bornas, sa isang panayam sa Bombo Radyo Legazpi, ang mga residente sa hilagang bahagi ng bulkan ay nakaranas ng manipis na ashfall habang ang tuktok nito ay natatakpan ng mga ulap.

Nakapagtala rin ng 5 rockfall events noong Martes at tatlo naman kahapon, na isa sa mga senyales na nagtutulak ng lava patungo sa bunganga nito.

Ipinaliwanag ni Bornas na habang hindi pa umaangat ang gas mula sa ilalim ng bulkan, mataas pa rin ang posibilidad ng isang moderately explosive eruption.

Kaya naman pinaalalahanan din ang publiko na iwasan ang 6-kilometer radius permanent danger zone dahil sa panganib ng pyroclastic density currents, ballistic projectiles, at ashfall.