LEGAZPI CITY- Muling nakapagtala ng pagbuga ng abo sa bulkang Mayon ngayong Nobyembre 3, 2026.

Naganap ang nasabing ash emmission dakong alas-8:22 nitong umaga.

Matatandaan na nananatili sa alert level 3 ang antas ng bulkan, na nangangahulugan ng high level of volcanic unrest at mataas na banta ng hazardous eruption.

Noong Oktubre 30 ay itinaas ang alert level 3 matapois ang naitalang moderate explosion.

Ang naturang insidente ay nagdulot ng muling paglikas sa mga residente na nasa 6km radius permanent danger zone, upang masiguro ang kanilang kaligtasan.