LEGAZPI CITY- Mas malakas na pagyanig ang naramdaman sa Claveria, Masbate bandang alas-8:54 ng umaga ngayong araw, Hulyo 13, 2026.
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, may lalin itong 6km at tectonic ang pinagmulan.
Inaasahan naman ang pagkakaroon ng mga aftershocks.
Samantala, naramdaman rin ang Instrumental Intensity III sa Legazpi City sa Albay, mga bayan ng Bulan, Donsol, Juban, Magallanes, at Sorsogon City sa lalawigan ng Sorsogon.
Intensity II sa Gumaca at Mulanay, Quezon, Ligao City at Tabaco City sa Albay, Iriga City, Pili, Ragay at Sipocot sa Camarines Sur.
Intensity I naman sa Odiongan, Romblon, gayundin sa Sagñay, Camarines Sur, Batuan, Masbate, Bulusan at Prieto Diaz sa Sorsogon at Malinao, Aklan.











