Pinulong ni Vice President Sara Duterte ngayong araw ng Martes ang kaniyang defense team kasunod ng pagtungo nito sa Senado.
Subalit ayon kay Atty. Michael Poa na hindi dadalo ang pangalawang pangulo sa ikalawang araw ng impeachment hearing ngayong hapon.
Magbigay naman ng maikling pahayag si VP Sara sa sandaling pagharap nito sa media.
“In this bloodbath and bludgeoning, I will be blooded but unbowed.” ayon sa maikling pahayag ni VP Sara.
Matatandaan na nagsimula nitong Lunes ang impeachment trial laban sa bise presidente.











