LEGAZPI CITY-Pormal nang ipinasa ng Office of the Vice President (OVP) ang kauna-unahang Madrasah Reading Corner sa Ma’had Da’wa Al-Islamie sa Taluksangay, Zamboanga City.

Ito ay upang mahikayat ang mga kabataang Muslim na mahalin ang pagbabasa at pagsusulat.

Sa isang post, pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte ang Embassy of the State of Qatar sa donasyon nitong mga libro para sa mga mag-aaral. Ibinahagi rin sa mga bata ang aklat na

Isang Kaibigan, na nagtuturo ng kahalagahan ng tunay na pagkakaibigan.

Layunin ng programa na palakasin ang interes ng mga kabataan sa pag-aaral at mabigyan sila ng mas magandang oportunidad para sa kanilang kinabukasan.