
Handa na at tinanggap na ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na maaari siyang mamatay sa loob ng detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Kinumpirma ito ni Vice President Sara Duterte, kasunod ng manifesto ng dating pangulo sa korte na hindi siya dadalo sa mga nakatakdang pagdinig para sa kanyang kumpirmasyon sa mga kaso.
Ayon kay Duterte, unti-unting nawawalan ng pag-asa ang kanilang pamilya na babalik ang kanilang ama sa Pilipinas.
Idinagdag ng bise presidente na nakasaad sa opisyal na dokumento ng kanyang ama sa ICC ang kanyang pagtanggap sa nangyari sa kanya sa kamay ng international tribunal.










