
LEGAZPI CITY-Naitala ang mahigit 500 stranded na pasahero sa Bicol Region dahil sa bagyong Basyang.
Ayon kay Coast Guard District Bicol Public Information Officer Coast Guard Ensign Alyzza Novie Bermal, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na naitala ang nasa 559 stranded passengers, 5 vessel, at 228 rolling cargoes sa buong rehiyon.
Nagpalabas na rin ng sea travel advisory sa mga pantalan sa Masbate, kabilang ang Masbate City Port papuntang Cebu Port, Mobo Port – Cebu Port, Mintac Port – Bogo Port, Cawayan Port – Hagnaya Port.
Kasama rin dito ang tatlong pantalan sa Sorsogon, kabilang ang Castilla Port, Lipata Port – Surigao Del Norte Port, at Matnog Port – Northern Leyte Port.
Naka-standby na rin ang kanilang mga personahes sa mga lalawigan.
Paalala sa publiko na maging alerto sa ipinapalabas na anunsyo ng ahensya lalo na kung saang parte ang may sea travel advisory para maiwasan ang ma-stranded sa mga pantalan.









