LEGAZPI CITY- Inararo ng isang truck ang isang van sa bahagi ng Libod, Camalig, Albay, nitong umaga, Nobyembre 26, 2025.
Makikita sa video na kuha ng uploader na si Joshua Tena na matindi ag pinsala ng naturang van.
Ayon sa paunang impormasyon na nawalan umano ng preno ang truck kaya nawalan ng kontrol.
Inaalam pa sa ngayon ang lagay ng mga biktima na nasangkot sa aksidente.
Agad naman na nagtungo sa pinangyarihan ng aksidente ang mga rescuers upang malapatan ng medikal na asistensya ang mga biktima sa insidente.











