LEGAZPI CITY—Kusang sumuko sa kapulisan ang isang lalaki matapos nitong pagbubugbugin hanggang mamatay ang kainuman nitong biktima sa Rapu-Rapu, Albay.
Ayon kay Rapu-Rapu MPS PMAJ Alex Matienzo, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, habang nag-iinuman ang apat na indibidwal kabilang ang suspek at biktima ay nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa hanggang sa umabot sa pambubugbog na nagresulta sa pagkamatay ng biktima.
Kinilala ang suspek na si Dolor Balaguer Lucañas, 42-anyos, mangingisda, at residente ng Barangay Buhatan, Rapu-Rapu, Albay.
Kinilala namanang biktima na si Diosdado Corral, 63-anyos, mangingisda at residente ng kaparehong barangay.
Sinabi ni Matienzo na nagtamo ang biktima ng severe traumatic brain injury na nagresulta sa kanyang kamatayan.
Ang suspek ay posibleng mahaharap sa kasong Homicide.
Samantala, pinaalalahanan din ng opisyal ang mga umiinom ng alak na iwasan ang away at kung maaari ay huwag nang uminom para maiwasan ang ganitong mga karahasan.