LEGAZPI CITY—Matapos ang 26 na taong pagtatago, arestado ng mga awtoridad ang isang 76-anyos na lalaki sa bayan ng Malilipot, Albay.
Ayon kay Malilipot Municipal Police Station, Chief of Police, Captain Alex Alcantara, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kinilala ang suspek na si alyas “Arnol”, 76 anyos, residente ng Barangay Sta. Teresa, ng nasabing bayan.
Arestado ang suspek sa kasong Acts of Lasciviousness na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 17, Tabaco City na may petsang Oktubre 28, 1999 at may inirerekomendang piyansang P40,000.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Malilipot MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.
Samantala, umapela rin si Alcantra sa publiko na kung mayroon silang impormasyon hinggil sa mga indibidwal na may standing warrant of arrest na i-report ito sa kanilang tanggapan o tumawag sa 911 hotline upang sila ay mapanagot sa batas.