LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng karambola ng tatlong mga sasakyan sa Tughan, Juban, Sorsogon nitong umaga lamang.

Ayon sa impormasyon ng Juban Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na sangkot sa naturang aksidente ang isang pampasaherong bus, jeep at kotse.

Nagresulta ang aksidente sa pagtatamo ng sugat ng tatlong mga indibidwal.

Samantala, agad naman na naitakbo sa pagamutan ang mga ito upang malapatan ng medikal na asistensya.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga kinauukulan sa dahilan ng naturang aksidente.