Muling magpapatupad ng tatlong araw na transport strike ang grupong MANIBELA.
Ayon kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena na sisimulan ito sa Miyerkules, Abril 15, hanggang Biyernes, Abril 17.
Makakasama umano ng MANIBELA ang iba pang mga transport groups na magsasagawa rin ng tigil-pasada.
Tinuligsa ni Valbuena ang umano’y mabagal na tugon ng pamahalaan sa nararanasang krisis sa sektor ng transportasyon, na patuloy na nagpapadapa sa kabuhayan ng mga drivers at operators.











