Usap-usapan ngayon ng publiko ang posibleng comeback ng grupong 2NE1.

Ito matapos kumpirmahin ng YG Entertainment ang nakatakdang pakikipag kita ng lahat ng miyembro ng naturang Korean girl group sa founder ng agency na si Yang Hyun Suk.

Dahil dito ay hindi naman maiwasang ma-excite ng mga fans ng 2NE1 ay umaasang muling mapapanood ang performance ng grupo.

Ang mga miyembro ng grupo na sina CL, Bom, Dara, at Minzy ay huling nagkaroon ng performance noong 2022 sa Coachella.

Matatandaan na nag-dismand ang grupo noong 2016 kasabay ng pag-alis sa YG Entertainment.