Ganap ng naging Tropical Depressions ang dalawang sama ng panahon sa kanluran ng Batangas at silangan ng Eastern Visayas.

Pinangalanan ito bilang Tropical Depression Butchoy at Tropical Depression Carina.

Batay sa tala ng state weather bureau, ang TD Butchoy ay posibleng maka apekto sa bansa sa susunod na tatlong araw.

Ang naturang sama ng panahon gayundin ang Southwest Monsoon ay maaaring magdala ng bahagya hanggang sa malakas na mga pag-ulan sa western portion ng Luzon.