Photo courtesy, Erwin Nazareno


LEGAZPI CITY – Ikinaalarma ng mga residente ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga aso sa Brgy. Codon sa bayan ng San Andres, Catanduanes

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay San Andres Municipal Councilor Joal Cocjin, nagsimula ang naturang insidente noong nakaraang mga araw hanggang sa sunod-sunod ng mangamatay ang mga aso mapa-gala man o alaga.

Sa kabuuan nasa 15 na naitatalang mga namatay na aso sa naturang barangay, subalit posibleng madagdagan pa ang naturang bilang.

May mga natanggap naman na impormasyon ang opsiyal kaugnay sa posibleng patago na panlalason sa naturang mga hayop lalo pa’t hindi naman nakitaan ng mga sugat sa kawatan.

Isinailalim na sa laboratory test ang sample ng mga namatay na aso at hinihintay na lang ang resulta upang malaman ang sanhi ng pagkamatay ng mga ito.

Mariing nagbabala si Cocjin na kung sakaling mapatunayan na nilason ang mga aso posibleng managot sa batas ang may kagagawan ng naturang insidente sa ilalim ng Republic Act 8485 o “Animal Welfare Act of 1998”.

Kakaharapin ang parusang pagkakakulong ng isang taon at anim na buwan na may kasamang P100,000 na multa.