One person was killed and 16 others injured after a public utility vehicle (PUV) fell into a ravine in Brgy. Dangoy, Lubuagan, Kalinga.

Isa ang patay at 16 ang sugatan matapos mahulog ang isang public utility vehicle (PUV) sa bangin sa Brgy. Dangoy, Lubuagan, Kalinga.

Kinilala ang nasawi na si Julio Agaton, isang 65-taong-gulang na lolo na nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo.

Ayon sa mga ulat, nawalan ng preno ang sasakyan at diretsong nahulog pababa ng bangin.

Mabilis na rumesponde ang rescue team at dinala ang mga biktima sa ospital.

Nangyari ang trahedya noong Martes Santo, Marso 31, 2026.