Kumpiyansa si Republican presidential candidate Donald Trump na mas madaling talunin si Vice-president Kamala Harris sa darating na Presidential election ngayong Nobyembre.

Kasunod ito ng tuloyan ng pag-atras ni Presidente Joe Biden bilang kandidato ng Democrats.

Ngayong araw ng ianunsyo ni Biden ang pag-atras sa eleksyon kasabay an pag-endorso kay Harris.

Ayon kay Trump, tama lamang ang ginawang pag-atras ni Biden dahil wala na itong kapasidad pang tumakbo.

Matatandaan na makailang ulit ng kinukwestiyon ni Trump ang kakayanan ni Biden na magsilbi sa bansa dahil sa edad nito na 81 taong gulang na.