Nakatakda na maging isa ng ganap na ama si Super Junior member Sungmin.

Sa pamamagitan ng isang post sa social media ay ibinahagi ni Sungmin ang pagbubuntis ng kaniyang asawa sa kanilang first baby, matapos ang sampung taon na pagiging mag-asawa.

“As this baby has come to us with difficulty, I will raise them with responsibility, love, and care,” batay sa post ng naturang K-pop star.

Matatandaan na ikinasal si Sungmin at musical performer na si Kim Sa Eun noong 2014.

Samantala, ibinahagi naman ni Sa Eun na nakatakda siyang manganap sa Setyembre.

Kasunod nito ay bumuhos naman ang mga pagbati para sa dalawa.