LEGAZPI CITY-Ipinahayag ni Senator Robin Padilla na bukas umano siyang tumakbo bilang Bise Presidente ni VP Sara Duterte sa paparating na 2028 Elections.

Sinabi ng Senador na kung ito ay iuutos sa kanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa nasabing posisyon.

“Kapag utos ni Digong. Walang pwedeng mag utos sa akin kahit sino, si Digong lang. Kasi ayaw ko talaga ng pulitika, alam naman lahat ng… nanay ko alam yan, mga kapatid ko, asawa ko. Basta sinabi ni Digong susunod ako,” ani ng Senador.

Noong tanungin aman siya kung handa ito sa posisyon, sinabi pa niya na, “Ipinanganak po tayong ready. Lalo na yan, para sa akin… Vice President, hindi naman masyadong ano yan…puro advocacy lang yan eh. Parang ikaw ang spare tire, ‘di ba? Kayang kaya yan,”