Inulan ng pagbati mula sa mga fans at malalapit na kaibigan si Ryan Bang matapos isapubliko na engaged na ito sa non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong.

Ibinahagi ng dalawa sa kanilang social media accounts ang ilang mga larawan ng pag-propose ni Ryan.

Makikita sa ilang mga lawaran sa Instagram page nito ang nakaluhod na si Ryan habang hawak ang kahon ng diamond engagement ring na agad naman na nakuha ang matanis na ‘Oo’ ng nobya.

Matatandaan na Agosto 2023 ng kumpirmahin nina Ryan at Huyong ang kanilang relasyon.

Kamakailan lang din ng magtungo sina Huyong at magulang nito sa South Korea upang makilala ang mga magulang ni Ryan.