LEGAZPI CITY-Inaprubahan ng House of Representatives ang Committee Report 261 kaugnay ng impeachment complaints laban kay VP Sara Duterte matapos makakuha ng 255 boto pabor, 26 tutol, at 9 abstentions sa isinagawang nominal voting ngayong araw ng Lunes, Mayo 11, 2026.
Ang resulta ng botohan ay nagbunsod ng pormal na pagsulong ng impeachment case, na magpapailalim sa susunod na proseso sa ilalim ng Saligang Batas, kabilang ang pagdinig sa Senado bilang impeachment court.
Dahil dito, muling na-impeach si Duterte matapos makuha ng Kamara ang kinakailangang bilang ng boto upang maipadala sa Senado ang Articles of Impeachment para sa paglilitis.
Ayon kasi sa Konstitusyon, kinakailangan lamang ng hindi bababa sa 1/3 na boto mula sa mga miyembro ng Kamara upang maisulong ang impeachment case sa Senado.
Dahil dito, ililipat na sa Senado ang impeachment case para sa paglilitis.











