LEGAZPI CITY-Kinumpirma na ng International Criminal Court (ICC) nitong Lunes, Mayo 11, 2026 ang inisyung warrant of arrest laban kay dating PNP chief na si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon sa pahayag ng ICC na ang dokumentong na-published ng national authorities ng Republika ng Pilipinas at ngayon ay kumakalat sa social media, ay tunay na dokumento mula sa kanila.
Dagdag pa nito na ang warrant of arrest na ito laban kay Bato ay confidential na inilabas sa ilalim ng selyo ng Pre-Trial Chamber I ng ICC noong November 6, 2025.
Ani nito, kasalukuyang pang nasa proseso ng pag-unselyo ang naturang warrant of arrest mula sa ICC.
Matatandaang nadadawit si Senator Bato at iba pang opisyal ng gobierno katulad ni dating Presidente Rodrigo Duterte sa umano’y xtrajudicial killings noong panahon ng “giyera kontra droga” ng nakaraang administrasyon.











