LEGAZPI CITY-Itinalaga bilang bagong bagong Senate President si Senator Alan Peter Cayetano matapos magkaroon ng pagbabago sa liderato.

Ang pagbabago ng liderato, kasunod ng posibleng transmittal ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa botong 13-9-2, nanalo si Cayetano at natalo naman si Sen. Tito Sotto na awtomatikong tatayo bilang bagong Senate Minority Leader.

Matatandaang ngayong araw ng Lunes, Mayo 11, hahatulan ng kamara de Representantes, si Vice President Sara Duterte upang pagtibayin ang report ng House Committee on Justice na nagsasabing may ”probable cause” sa reklamong impeachment laban sa Bise Presidente.

Si Cayetano na ang ikaapat na lider ng Senado sa ilalim ng administrasyong Marcos. Matatandaang unang nagsilbi bilang Senate President si Sen. Juan Miguel Zubiri sa simula ng administrasyon, na sinundan ni Sen. Francis “Chiz” Escudero noong 2024, at Sen. Tito Sotto noong 2025.

Naganap ang balasahan sa gitna ng mainit na usapin hinggil sa Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Inaasahang tatawid ang reklamo sa Senado para sa isang ganap na impeachment trial sakaling makakuha ito ng kinakailangang 1/3 na boto mula sa Mababang Kapulungan.