LEGZPI CITY- Kinumpirma ni Police Lt. Col. Domingo Tapel Jr., hepe ng Legazpi City Police Station na binawian na ng buhay ang isang police officer na nasangkot sa aksidente sa Barangay Padang sa naturang lungsod.
Matatandaan na sakay ng isang UV Express mula Bacacay ang naturang pulis na may ranggong Police Executive Master Sergeant ng mabagsakan ito ng malaking puno ng kahoy sa Barangay Padang, Legazpi City noong Hulyo 28, 2025.
Sakay ng naturang van ang nasa 17 pasahero kung saan walo ang nasugatan at isa ang ideneklarang dead on the spot.
Nagtamo ng injuries ang naturang biktima dahil sa naturang aksidente at binawian ng buhay kahapon, Nobyembre 5, 2025.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang hepe sa pamilyang naulila ng naturang biktima.











