Photo by: Tabaco City Youth Ambassadors

LEGAZPI CITY—Nagsawa ng isang psychosocial art therapy ang isang grupo ng kabataan sa Tabaco City para sa mga batang naapektuhan ng pag-alburoto ng bulkang Mayon.

Ayon kay Tabak Tarabangan Head Albert Bobiles, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, layunin nito ay magbigay ng pansamantalang kaginhawaan ang mga lumikas na mga kabataang sa nasabing lugar.

Aniya kabilang sa mga aktibidad ay ang pag-imbita sa local artist upang maipahayag ang kanilang pagkamalikhain sa pamamagitan ng sining.

Dagdag pa ni Bobiles na ito ay unang isinagawa sa mga evacuation center sa Barangay Buhian, Buang, at San Antonio noong Enero 31.

Umaasa rin ang grupo na mangyayari itong muli dahil maraming kabataan ang nagtatanong kung kailan sila babalik gayundin na maraming iba pa ang nangangailangan ng kanilang tulong.