LEGAZPI CITY-Sapilitang pumasok si Polish President Karol Nawrocki sa Constitutional Tribunal sa gitna ng isang madulang komprontasyon hatinggabi nitong Oktubre 30, 2026, habang sumisiklab ang isang political crisis.
Diretsong pumasok si Karol Nawrocki sa gusali ng Constitutional Tribunal matapos niyang pabalikin ang kanyang eroplano habang nasa kalagitnaan ng biyahe mula sa Senegal.
Tinignan niya ang mga pro-EU judges at sinabing hindi sila mga judges.
“You are not judges of the Constitutional Tribunal!”, sinabi ni Nawrocki.
Nangyari ito nang ideklara ng kampo ni Prime Minister Donald Tusk na suspendido si Bogdan Święczkowski, ang Tribunal president at pinalibutan ng mga pulis ang nasabing building.
Sa gitna nito, biglang bumalik si President Nawrocki mula sa kanyang biyahe sa kalagitnaan ng gabi at dumiretso papuntang Constitutional Tribunal, habang sapilitang pumasok sa pinto nito.
Lalong lumala ang krisis sa Poland, nitong Biyernes sa gitna ng matagal nang alitan sa pagitan ni Nawrocki at ng pamahalaan ni Tusk hinggil sa kontrol sa pinakamataas na hukuman ng bansa na tumatalakay sa mga usaping konstitusyonal.











