Siniguro ng pamunuan ng Philippine National Police na papanagutin kung sakaling mapapatunayan na may mga pulis na tulong sa pagtakas sa Pilipinas ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa kasalukuyan kasi ay iniimbestigahan pa rin kung paanong nakalabas sa bansa si Guo.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na ilalantad nila ang mga pangalan ng posibleng kasabwat ni Guo.

Nanawagan rin ito na makipag-ugnayan na lamang sa isinasagawang pagsisiyasat ang sinumang sangkot upang mapabilis ang proseso.

Matatandaan na nahuli na si Alice Guo o Guo Hua Ping sa Tangerang City, Jakarta, Indonesia kaninang madaling araw.