LEGAZPI CITY- Personal na nagtungo si Philippine National Police Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa Lupi, Camarines Sur upang makita ang sitwasyon sa Andaya Highway.
Matatandaan kasi na ilang araw ng umaaray ang mga motorista dahil sa buhol-buhol na traffic sa naturang lugar.
Nabatid na nais ng hepe ng pambansang pulisya na mabatid ang kasalukuyang kalagayan ng mga biyahero at motorista.
Sa kasalukuyan kasi ay kabilang ang mga kapulisan sa mga nagbibigay asistensya upang maayos ang daloy ng trapiko sa naturang lugar.
Samantala, inaasahan rin ang pagbisita ni PNP chief Marbil sa Camp Simeon Ola sa lungsod ng Legazpi ngayong hapon.