MAYON VOLCANO

LEGAZPI CITY—Pumalo na sa mahigit P14 milyon ang naitalang halaga ng pinsala sa agrikultura sa lalawigan ng Albay dahil sa patuloy na aktibidad ng bulkang Mayon.


Ayon kay Department of Agriculture Bicol Spokesperson Lovella Guarin, sa panayam sa Bombo Radyo Legazpi, kabilang sa mga napinsala ay ang mga high value crops na nagkakahalaga ng P13 milyon at yellow corn na umaabot sa P75,000.


Aniya na aabot din sa 294 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng pag-alburoto ng naturang bulkan.


Ang nasabing datos ay nagmula sa mga munisipalidad ng Daraga, Guinobatan, Camalig, Legazpi City, Ligao City, Malilipot at Sto. Domingo.


Inaasahan din ng ahensya na ang halaga ng pinsala sa agrikultura ay maaaring tumaas habang nagpapatuloy ang aktibidad nito.

Samantala, tiniyak din ng opisyal na may nakahandang tulong para sa mga magsasakang naapektuhan ng aktibidad ng bulkan.