Hindi binigo ni Pinay boxer Aira Villegas ang mga Pilipino na nanood ng personal sa laban nito sa nagpapatuloy na Paris Olympics.

Tinalo kasi ni Villegas ang split decision si Wassila Lkhadiri ng France sa women’s 50kg boxing.

Dahil dito ay uusad na siya sa semifinals kung saan sigurado na ang maiuuwing medalya para sa Pilipinas.

Samantala, sa isang pahayag ay lubos naman ang pasasalamat ni Villegas sa suporta na kaniyang natanggap.