LEGAZPI CITY- Kumpiyansa ang lokal na pamahalaan ng Legazpi City na matutunghayan ng publiko ang pinakamagandang opening ng Palarong Bicol kaugnay ng hosting ng lungsod sa naturang aktibidad.
Matatandaan na ngayong araw ay inaabangan na ang pagbubukas ng Palarong Bicol 2025.
Kaugnay nito, sinabi ni Legazpi City Mayor Alfredo Garbin sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nakahanda na ang lahat na mga kinakailangan ng mga atleta.
Aniya, magiging makulay ang pagbubukas ng sporting event na mapupuno ng iba’t ibang mga aktibidad.
Samantala, kabilang pa sa mga tinututukan ng lungsod ang suplay ng kuryente at tubig sa mga billeting centers.
Nabatid na nasa 16 na mga paaralan sa lungsod ang nagsisilbing billeting schools ng mga atleta at coaches na mula sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyong Bicol.
Kumpiyansa naman ang alkalde na magigin kumportable ang pananatili ng mga delegado sa naturang billeting centers lalo pa at naglaan ang lokal na pamahalaan ng dagdag na pondo para sa repair ng mga kinakailangang kagamitan.