Naharang ng mga otoridad sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P142.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Santo Domingo, Quezon City.
Isinilid ang naturang mga kontrabando sa lalagyan ng ketchup at mayonnaise.
Isinagawa ang operasyon nitong madaling araw ng Miyerkules ng pinag-isang pwersa ng PDEA Special Enforcement Service, PDEA regional office, at Philippine National Police Drug Enforcement Group.
Ang naturang buy-bust operation ay nagresulta sa pagkaka aresto ng high-value target.
Nang inspeksyunin ng mga otoridad ang van at kagamitan ng mga suspek ay tumambad ang nasa 20.5 kilo ng shabu na nakatago sa mga lalagyan ng condiments.
Sa ngayon ay inaalam pa kung may mga kasabwat ang dalawang naaresto, na ngayon ay mahaharap sa kaukulang kaso.











