LEGAZPI CITY – Nakapagtala ng pagtaas ng bilang ng vehicular accidents sa lalawigan ng Catanduanes ngayong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PSSG. Shalimarie Millendez, information officer ng Catanduanes Police Provincial Office, base sa datos nasa 343 na aksidente sa kasalda ang naitala sa kasalukuyang taon.

Tumaas ito ng 86 kumpara noong 2022 na nasa 257 lang.

Ayon kay Millendez, indikasyon ito na tumaas ng 20% hanggang 25% ang vehicular accidents sa island province.

Tanging aksidente sa kalsada lang ang nakitaan ng pagtaas ngayong taon dahil bumaba ang bilang ng ilang crime incidents na naitala sa lalawigan.

Kabilang na rito ang crime against persons, crimes against property at iba pang non-index crimes.