LEGAZPI CITY- Nasa apat na mga aspirants pa lamang ang naghahain ng kanilang certificate of candidacy sa bayan ng Daraga.

Ayon kay Daraga Election Officer Andy Toledo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na pawang aspirants pa lamang para sa Sangguniang Bayan members ang naghahain ng kandidatura.

Batay sa tala hanggang alas-9:30 ng umaga ay wala pang naghahain ng certificate of candidacy para sa pagka alkalde at bise alkalde sa naturang bayan.

Umaasa naman ang opisyal na sa mga susunod na oras ay madadagdagan pa ang naturang bilan.

Nanawagan naman si Toledo na huwag na sanang antayin ang deadline bukas, Oktubre 8 dahil kinakailangan pa aniyang i-check ang kanilang mga dokumento.